LOS BANOS, Laguna – Binuksan ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) sa publiko ang kanilang Agriculture and Development Seminar Series (ADSS) upang mapalawig ang diskuyon sa mga kasalukuyang isyung kinakaharap ng agrikultura at kalikasan ng Pilipinas.
Nagbigay ng pahayag si SEARCA Director Gil C. Saguguit Jr., sa pagbubukas ng ADSS, ayon sa kanya layon ng kanilang institusyon na magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa mga isyung pang-kaunlaran gayundin ang maaaring epekto nito sa agricultural at rural na pangkaunlaran.
Sa pamumuno ng gobyerno, layon ng SEARCA na mapagtibay pa ang kapasidad ng kanilang organisasyon sa patuloy na pagpapaunlad sa mga kapus-palad na sector sa boung Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng komprehensibong pananaliksik at maayos na pamamahala ng mga kaalaman.
Sa pamamagitan ng ADSS, ani ni Dr. Saguiguit, naglalayon ang SEARCA na makapag-ambag sa Los Banos Science Community (LBSC) ng iba pang siyentipikong kaalaman.
Ang ADSS ay bukas sa publiko sa ika-apat hanggang ika-lima ng hapon tuwing Martes.
Inimbitahan din ang mga miyembro ng gabinete, kinatawan ng ahensya ng United Nations, at ang iba pang mga orgnisasyon na makapaghatid ng mga lectures at makilahok sa workshops ng ADSS.
Nagho-host din ang mga institusyon ng iba pang mga pampublikong lektura sa ilalim ADSS , kabilang ang SEARCA graduate seminars kung saan ang kanilang mga nagtapos na iskolar ay magbibigay ng mga documentations batay sa kanilang mga theses o dissertations pati na rin ang iba pang mga espesyal na seminar co- organisado ng SEARCA sa iba pang mga organisasyon.
Sa August 11 , 2015, si Dr. Orville L. Bondoc ng Animal and Dairy Sciences Cluster ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) College of Agriculture ay maghahatid ng isang panayam sa “Organic Farming and Breeding Towards Food Security of Smallholders Farmers in the Tropics “sa SEARCA .
Noong nakaraang May 21 naman, si Forester Ricardo M. Umali , isang malayang consultant sa International arrangement for Forests of the UN Forum on Forests, ay tinalakay ang paksang ” The New International arrangement on Forests : The Way Forward to Sustainable Forest Management”.
Dalawang araw bago pa iyon, si Dr. Victor B. Ella ng Land and Water Resources Division of the Institute of Agricultural Engineering, College of Engineering and Agro-industrial Technology of UPLB ay tinalakay ang usapin “Influence of Conservation Agriculture and Tillage on Soil Quality in Selected Crop Production Systems in the Philippines.
Iba pang mga seminar ang binuksan ng SEARCA sa nakalipas na mga buwan na tumalakay sa mga usaping ukol sa pagpapalago ng kabuhayan sa bansa.
Tatlo namang mga dayuhang eksperto ang nagsagawa ng lecture sa ilalim ng sponsorship ng SEARCA. Pinagtuunan nila ng pansin ang mga usapin kung paano mapapalawig ang Livelihood sa bansa at ang mga epekto ng pagbabago sa agrikultural na aspeto ng ating bansa at sa buong Timog- Silangang Asya. (Freda Migano)