Inilungsad ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) ang SEARCA Hub for Agriculture and Rural Innovation for the Next Generation (SHARING) nitong nakaraang August 12, 2022, sa ganap na ika – 9 ng umaga sa SEARCA Headquarters, Los Baños, Laguna.
Dumalo sa nasabing okasyon sina: JOSE GASPAR DOS REIS GARCIA PIADADE, Ambassador ng Republica Democratica De Timor Leste, Embaxaida, Em Manila., Filipinas; LEONOR BRIONES , Former DepEd Secretary at Current Director ng (Southeast Asian Ministers of Education Organization) SEAMEO Regional Center for Innovation and Technology; MYLENE ABIVA , CEO ng Felta Multimedia Inc.; DR. MAX GUILUERMO, President of Tarlac Agricultural Univeristy; MARGARET BALLASTEROS, DepEd International Cooperation Office Director.
Nagsilbi namang tagapagsalita sa nasabing forum ang 3 Youth Agri-innovators na sina: MS. MYKA FRAGATA , Leader of the team that invented the Automated Irrigation and Nutrient Management System (AIRIN), which minimizes farm labor costs by automating irrigation processes and reduces input cost by applying the right amount of fertilizer at the right time in the right place. AIRIN is also a grand prize winner of the nationwide Innovation Olympics 2.0., MS. JULIEANE CAMILE LACSINA , Co-Founder of GoEden, an online platform for buying and selling agricultural products and availing of expert technical advice on the use of various agricultural inputs, at MR. JOELL H. LALES , Officer-in-Charge, Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) .
Sa Mensahe ni SEARCA Director Dr. Glenn B. Gregorio, ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng SHARING na naghihikayat sa lahat na tumuklas at gumawa ng mga makabagong teknolohiya at makabagong inobasyon upang mapabilis ang pagsulong ng agarikultura sa bansa, na kung saan partikular na makikinabang ang mga susunod na henerasyon.
Sa isinagawang press conference, nanawagan at hinimok din ni Dir. Gregorio ang mga kabataan, na kumuha kursong agrikultura dahil, hindi lamang umano pagsasaka ang kanilang maaring maging hanapbuhay, kundi maari rin silang maging negosyante. “We should change the mindset of the farmers to be business-like,” ayon pa dito.
Masayang ibinagi naman ng tatlong Youth Agri-innovators ang kani-kanilang karanasan sa larangan ng pagsasaka at kung papaano napapagaan ang kanilang trabaho gamit ang mga makabagong teknolohiya at inobasyon.
Ibinida ng isa sa tatlong youth agri-innovator kung paano naman naging matagumpay sa pagiging agri-preneur, sa pamamagitan ng pagiging online buying and selling agricultural products at pagbibigay ng technical advice sa mga magsasaka.