Ipinangalan kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang bagong hybrid ng gumamela na na-develop ng Institute of Plant Breeding.
Ayon sa University of the Philippines – Los Banos (UPLB) ang pagpapangalan nila kay Briones ay bilang pagpupugay sa kaniyang dedikasyon pagdating sa edukasyon at pamamahala.
Dahil dito ay nagpasalamat naman si Briones.
“I am humbled and deeply honored to have a wonderful variant of Gumamela named after me. As a nature lover and educator, I appreciate the UPLB’s Women in Public Service series that recognizes outstanding Filipino women in government,” sinabi ng kalihim sa isang statement ngayong Sabado, Oktubre 16.
Ang bagong Hibiscus rosa-sinense ‘Leonor M. Briones’ ay na-develop ng Institute of Plant Breeding.
Sina Dr. Glenn Gregorio, Director ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study at Research in Agriculture ang nagnomina kay Briones, at inendorso naman ng UPLB Screening Committee.
Sa ilalim ng pamumuno ni Briones sa DepEd isinulong ang Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP) sa pagsisimula ng pandemya at siya rin ang nagsulong ng prayoritisasyon ng pagbabakuna sa mga guro.